Philippine Airlines, magbubukas na ng flight sa lahat mga pasahero patungong Calbayog

144

Nakatakda nang magbukas ang Philippine Airlines ng flight mula Manila patungong Calbayog sa Samar.

Epektibo ang pagresume ng flight ng PAL sa Calbayog sa April 22.


Sa ngayon kasi ang flight lamang ng PAL patungong Calbayog ay para sa Locally-Stranded Individuals (LSIs), Returning Overseas Filipinos (ROFs) at Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Tiniyak naman ng PAL ang mahigpit nilang pinatutupad na “new normal” health at safety protocols, sa pakikipagtulungan ng Local Government Units.

Facebook Comments