Nilinaw ng OCTA Research group na suportado nila ang desisyon ng pamahalaan na ibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila para sa unang dalawang linggo ng Pebrero.
Sa Laging Handa public press briefing, ipinaliwanag ni Dr. Guido David na personal na opinyon lamang niya na kung maaari ay naghintay sana muna ng isa o dalawa pang linggo bago ibaba ang alert level ng rehiyon.
Paliwanag ni Dr. David, nasa 17% pa rin kasi ang positivity rate ng National Capital Region (NCR).
Gayunpaman, binigyang diin nito na suportado nila ang pagbaba ng NCR at mga kalapit na lugar nito sa Alert Level 2 dahil nakakakita naman na talaga aniya ng pagbaba sa COVID-19 cases.
Nakikita na rin naman aniya sa iba pang indicators na tinitignan ng pamahalaan ang pagbaba ng mga numero, tulad ng Average Daily Attack Rate (ADAR), vaccination coverage at ang healthcare utilization rate.