Planong terrorist attack sa South Cotabato, napigilan ng Philippine Army

Napigilan ng Philippine Army ang planong pag-atake ng mga terorista matapos na mapatay nila ang dalawang Daulah Islamiyah terrorists sa Barangay Lapu, Polomolok, South Cotabato kahapon.

Kinilala ni Joint Task Force Central at 6th Infantry Division Commander Major General Juvymax Uy, ang dalawang nutralisadong terrorista na sina Zypol Nilong at Salahudin Usman na mga tauhan ni Zaiden Jade Nilong, alias Aliboy ng DI-Maguid Group.

Nasawi ang dalawa nang maka engkwentro ng kanilang grupo ang mga sundalo na miyembro ng 1st Scout Ranger Battalion.


Pagkatapos ng limang minutong bakbakan, nagsitakas ang mga nalalabing kalaban at narekober ng mga tropa ang mga inabandonang bangkay ng dalawang nasawing terrorista at dalawang M-16 rifles.

Panawagan naman si MGen. Uy sa mga nalalabing miymebro ng Daulah Islamiyah na sumuko na sa gobyerno para mabigyan ng pagkakataon na makapagbagong buhay.

Facebook Comments