Friday, October 16, 2026

Office of the President, handang sumunod sa anumang utos ng Korte Suprema sa pagpapaliban ng BSKE

Handang sumunod ang Office of the President sa anumang magiging utos ng Korte Suprema kaugnay ng petisyong kumukuwestiyon sa pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na nakatakda sanang isagawa sa Nobyembre 2.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, Office of the Solicitor General ang kakatawan sa gobyerno sa usapin.

Sa ngayon, wala pa aniyang natatanggap ang Palasyo na kopya ng petisyong inihain ni election lawyer Romulo Macalintal.

Bukod sa petition for certiorari and prohibition, humiling din si Macalintal ng temporary restraining order (TRO) at writ of preliminary injunction para mapigil ang postponement ng BSK elections.

Facebook Comments