
Sanib-pwersa ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang joint exercise na magsasanay sa pagtugon sa isang malakas na lindol o “Big One” sa Maynila simula ngayong Miyerkules, September 30.
Ang nasabing pagsasanay ay tatawagin na Inter-Agency Exercise (IAX) Sanlakas 02-2026.
Susubukin sa aktibidad ang mga mekanismo ng pagtugon, koordinasyon ng command, mga operasyon sa paghahanap at pagsagip, mga hakbang sa seguridad, at mga pamamaraan sa agarang pagpapadala ng mga tauhan at kagamitan.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., sa pamamagitan ng nasabing aktibidad ay mati-testing ang kanilang sistema, mapapalakas ang inter-agency coordination at matitiyak na makakaresponde ng walang delay ang PNP kapag mangyari ang the “Big One”.










