OFW DEPENDENTS AT RETURNEES SA POZORRUBIO, BINIGYAN NG KASANAYAN BILANG DAGDAG KABUHAYAN

Lumahok ang dependents at returnees na Overseas Filipino Workers sa tatlong-araw na Basic Nailcare at Reflexology Training sa Pozorrubio, Pangasinan na isinagawa mula Marso 4 hanggang 6.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagsasanay ay karagdagang pagkakakitaan ng mga pamilya at nagbabalik bansa na manggagawa bilang suporta sa kanilang magiging kabuhayan, katuwang ang TESDA Pangasinan.

Target ng programa ang mga dependents at returnees dahil pinaniniwalaang isa sila sa mga nangangailangan ng alternatibong pagkakitaan habang ang kanilang mga magulang na OFWs ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Matapos ang oryentasyon sa unang araw ng programa, isinagawa ang hands-on training sa nail care at reflexology.

Sa huling bahagi ng programa, binigyan ng Certificate of Completion ang mga kalahok bilang pagkilala at patunay ng kanilang kaalaman sa naturang larangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments