OFW, hiniling sa DMW at DICT na iprayuridad ang pagpapabilis sa pagpapalabas ng OEC.

Umapela ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na gawing prayoridad ang paglabas ng secure na Overseas Employment Certifications (OEC) sa pamamagitan ng digitalization at automated verification contract sa mga OFWs.

Ayon kay Recruitment consultant at Migration expert Emmanuel Geslani, nakikipag-ugnayan na sa DMW ang Recruitment Industry para magkaroon ng seryosong pag-aaral kung paano ipatupad ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mapabilis ang pagproseso sa OEC para sa mas mabilis na pagpapaalis ng mga OFW sa kanilang mga lugar na pagtatrabahuhan.

Paliwanag nito, sumangguni na rin sila sa mga opisyal ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na ibahagi ang kanilang karanasan para sa huling pag-apruba bago isumite ang pag-aaral kay DMW Secretary Susan ”Toots” Ople.


Binigyang diin ni Geslani na ang Recruitment Industry umano ay paulit-ulit na nagreklamo sa mga operasyon ng POEA sa nakalipas na mga taon dahil sa tagal ng proseso upang ma-accredit at maproseso ang kanilang mga job order o kontrata na dati nang naberipika at naaprubahan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO).

Facebook Comments