Isa sa mga most wanted person ng MPD Station-14, arestado

Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station-14 ang isang empleyado ng pamahalaan na kabilang sa kanilang listahan ng most wanted person.

Nakilala ang naaresto na si Edwin Perrobias, 52-anyos at residente ng Concepcion Aguila Street sa Quiapo, Manila.

Naaresto si Perrobias habang nasa Delpan Evacuation Center sa Binondo.


Nahaharap ang nadakip sa kasong paglabag sa Republic Act (R.A) 7610 o Anti-Child Abuse.

Itinutiring rin si Perrobias na Top 20 most wanted person ng MPD Station-14 kung saan ilang buwan din itong nagtago dahil sa nasabing kaso.

Facebook Comments