Manila, Philippines – Sa Agosto target na maipatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang OFW ID system.
Sa interview ng RMN kay Labor Usec. Bernard Olalia – iginiit nito na libreng makukuha ng mga OFW ang kanilang IDOLE I.D.
Pero aniya, pinag-aaralan pa ng ahensya kung sino ang magbabayad nito.
Hangga’t maaari, gusto ng DOLE na sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ito manggaling.
Dahil na rin ito sa pangamba ng mga Ofw na baka magreklamo ang kanilang employer sakaling sila ang pumasan sa bayad.
Matatandaang inulan ng batikos ang OFW ID system ng DOLE.
Sabi kasi ng ahensya, libre itong makukuha ng mga OFW bilang regalo ni Pangulong Duterte pero lumalabas na may bayad pala itong P700.
Facebook Comments