Monday, March 2, 2026

OFW, INARESTO AT KINUMPISKA ANG BARIL MATAPOS NITONG IKASA SA PAMPUBLIKONG LUGAR SA ROSALES

Inaresto at kinumpiska ang baril ng isang 32-anyos na lalaki matapos umanong makitang nagkasa ng baril sa pampublikong lugar kaninang madaling araw, Marso 2, sa bayan ng Rosales, Pangasinan.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng report ang pulisya mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y ilegal na pagdadala ng baril ng isang lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Matapos umanong magpark ng suspek, inilabas nito ang stainless na baril at ikinasa ng ilang beses na kalauna’y itinago sa compartment.

Agad na ipinaalam ng saksi sa pulisya ang nasaksihan sanhi ng pagkakaaresto sa suspek na kinilalang isang OFW at residente ng Villasis, Pangasinan.

Nakumpiska ang isang .45 caliber na baril, magazine at anim na bala.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang pangyayari. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments