OFW, itinali sa puno ng Arabong amo

Sa tulong ng social media, nakarating sa Philippine Embassy ang sitwasyon ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia na itinali sa puno.

Isang concerned netizen at kapwa OFW ang kumuha ng mga larawan ng nakatali sa punong si Lovely Acosta Baruelo, 26.

Nang makaabot sa embahada ang balita noong May 9, agad nakauwi sa Pilipinas si Baruelo, sa parehong araw mismo, alas-9 ng gabi.


Paliwanag ni Baruelo, parusa umano ito ng kanyang amo matapos niyang maiwang nakabilad sa araw ang isang mamahaling furniture.

Ito raw ang naging parusa dahil katwiran ng amo niya’y kailangang malaman ni Lovely ang dulot ng pagbibilad sa araw.

Bagama’t masayang nakauwi sa bahay niya sa La Union, nag-aalala si Lovely para sa iba pang OFW na katrabaho niya roon.

Facebook Comments