OFW na ayaw umano magpadaan sa kalsada, patay sa saksak sa dibdib

MEYCAUAYAN, Bulacan – Humaharap sa kasong murder ang isang helper matapos tadtarin ng saksak sa dibdib ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na kanya umanong nakaalitan.

Kinilala ang suspek na si Joel Belleza, 25 na pumatay sa biktimang si Dennis Ramos, 37.

Sa ulat ng Bulacan Police, Linggo nang magkaroon ng sagutan sa pagitan ng dalawa nang hindi raw magpadaan sa kalsadang malapit lang sa bahay ang biktima.


Nagsimulang magtalo ang dalawa hanggang sa bigla na lang daw nanghingi ng P500 si Ramos kay Belleza.

Nang makauwi, hindi pera kundi kutsilyo ang dala ng suspek na ginamit pangpatay sa biktima.

Ilang tama sa dibdib ang agad na ikinasawi ni Ramos.

Kaugnay ng insidente, nagsawaga ng follow up operation ang 1st Provincial Maneuver Force Company kaya agad nahuli si Belleza.

Kasalukuyan naman itong nasa kustodiya ng pulisya na nahaharap sa kaso ng pagpatay.

Facebook Comments