Gagamiting guidelines sa pagbabalik ng mga sports activities, naisumite na ng PBA sa Games and Amusements Board

Naisumite na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang proposal sa Games and Amusements Board (GAB) para sa gagamiting guidelines sa pagbabalik ng sports activities sa gitna ng COVID-19.

Ang 59-page document ay may titulong ‘Proposed Framework for the Resumption of Professional Sports in the Philippines in Anticipation to the New Normal’.

Ito ay magiging gabay ng Inter-Agency Task Force (IATF) para pag-aralan ang pagpapabalik-laro ng ilang sporting activities at events.


Nabatid na una nang nagbigay ang PBA ng kanilang health at safety guidelines sa GAB nitong nakaraang Biyernes matapos magsumite ang Philippine Football Federation ng operational protocols.

Facebook Comments