OFW na COVID-19 Positive sa Echague, Positibo pa rin ang ikatlong resulta ng Swab Test

Cauayan City, Isabela- Positibo pa rin ang ikatlong resulta ng swab test ng isang 30-anyos na OFW mula sa Bayan ng Echague batay sa pinakahuling tala ng Department of Health Region 2.

Ayon kay Ginoong Lexter Guzman, Health Education and Promotion Board Officer ng DOH Region 2, nakatakdang isailalim sa ika-apat na swab test ang nasabing OFW para matiyak ang kondisyon ng kanyang kalusugan.

Matatandaan na ang nasabing OFW ay nagkaroon ng hindi pagsunod sa ipinapatupad na health protocols matapos sumakay sa isang trucking essentials at makaiwas sa nakalatag na checkpoint.


Maliban dito, hinihintay din ang paglabas ng ikalawang swab test ng isa ring OFW mula sa Bayan ng Angadanan gayundin ang pagsasailalim sa swab testing sa isang lalaki sa Bayan ng San Mariano.

Giit pa ni Guzman, pawang mga asymptomatic o walang sintomas ng virus ang lahat ng mga pasyente na nagpositibo sa sakit.

Hiniling naman ng DOH sa publiko na lagging isaalang-alang ang minimum health standard gaya ng pagsusuot ng facemask, paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa posibleng pagkakaroon ng sakit.

Facebook Comments