OFW na COVID-19 Positive, Sumakay sa Trucking Essentials- Atty. Binag

Cauayan City, Isabela- Ipinag-utos ni Provincial Director PCol. James Cipriano ng Isabela Police Provincial Office na doblehin ang pagbabantay sa mga checkpoint matapos magpositibo sa corona virus ang isang OFW mula sa Bayan ng Echague.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, Provincial Information Officer, hindi na nasuri ng mga awtoridad na nakabantay sa checkpoint sa Bayan ng Cordon ang nilalaman ng isang trucking na mga basic essentials na sakay pala nito ang nasabing OFW.

Kahapon, agad na pinakilos ng pamunuan ng IPPO ang pulisya na suriin ang lahat ng mga laman ng trucking goods para matiyak na hindi na mauulit pa ang nangyaring sitwasyon.


Dagdag pa ni Binag, minabuting bumaba sa Lungsod ng Santiago ang nasabing pasyente at doon na lamang nagpasundo gamit ang isang tricycle pauwi sa bayan ng Echague.

Dahil dito, nananawagan ang Provincial Government ng Isabela sa publiko na tiyakin na sumunod sa health protocols upang hindi na maulit ang insidente na ngayon ay pahirapan pa sa isinasagawang contact tracing matapos magpabago-bago ng pahayag ang 30-anyos na babaeng OFW.

Facebook Comments