OFW na Galing Hong Kong, Nakitaan ng Sintomas ng COVID-19!

Cauayan City, Isabela*- Agad na inilagay sa Isolation room at mahigpit na minomonitor sa Southern Isabela Medical Center sa Lungsod ng Santiago ang isang ginang na nakitaan sintomas Corona Virus 19 ilang araw matapos dumating sa bansa mula Hongkong.

Ayon kay Ginoong Marshal Ancheta,Mununicipal Admistrator ng Benito Soliven Isabela. Kahapon ay nagtungo ang nasabing ginang sa kanilang RHU upang ikonsulta ang kanyang nararanasan pag ubo isang araw matapos dumating sa kanilang bayan upang bisitahin ang kanyang anak na nag aaral sa naturang bayan .

Una rito, ang nasabing Ginang ay dumating sa Cauayan City, Isabela at nagkusa na mag Self Qurantine sa loob ng 10 araw sa kanilang tahanan dito sa lungsod subalit hindi na nito tinapos ang 14 days home quarantine.


Noong March 8, 2020 ay nagtungo ito sa kanyang anak sa bayan ng Benito Soliven upang samahan ito sa kanyang aktibidad sa paaralan at kahapon lamang ay nakaranas ito ng pag-uubo kaya’t agad siyang nagtungo sa RHU ng Benito Soliven.

Nang mabatid ang travel history ng Ginang na galing siya ng Hong Kong kung saan ay may kaso na rin ng COVID 19 ay agad na siyang isinailalim sa isolation at dinala sa SIMC sa lungsod ng Santiago at isinailalim sa mas mahigpit na pagsusuri at isinailalim siya bilang Patient Under Investigation.

Dagdag pa ni Administrator Ancheta na inaantay pa nila ang Resulta ng labtest ng RITM sa nasabing pasyente.

Agad nman nagpatawag ng pagpupulong si Mayor Roberto Lungan sa lahat ng mga kapitan ng Benito Soliven upang talakayin ang nasabing kaso at upang mapaghandaan anuman ang magiging resulta ng pagsusuri sa naturang ginang

Ipinapaliban narin sa naturang bayan ang selebrasyon ng kanilang piesta bilang tugon at paghahanda pag iwas narin sa nasabing sakit .

Sa kasalukuyan, ayon kay Atty.Elizabeth Binag ,tagapagsalita ng Taskforce COVID 19 ng Isabela na tatlong mga individual ang itinuturing na PUI sa ngayon at ito’y galing sa bayan ng Luna, Cauayan City at Benito Soliven, Isabela.

Facebook Comments