General Santos City—nakauwi na ng Gensan ang OFW na Si Jemari Gocela na residenti ng Carcon Vill., Barangay Lagao Gensan na una nang minaltrato at ginugutom ng kanyang amo sa Saudi Arabia.
Alas 4:00 ng hapon kahapon nang dumating sa Gensan City Airport si Gocela matapos itong narescue ng kanyang Agency mula sa kanyang amo.
Sinabi ni Jemari nga malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang agency, mga tanggapan ng gobyerno ngh Pilipinas na nasa Saudi Arabia at sa mga OFW na tumulong sa kanya para sya ay rescue at makauwi dito sa bansa.
Kwento pa ni Jemari na palagi syang binobogbog ng kanyang among babae kahit wala itong ginagawang kasalanan at hindi sya pinapakain. Mula nong dumating ito sa bahay nga kanyang amo, isang beses sa isang linggo lang ito kumakain ng kanin at para maka-survive umiinum nalang ito ng maraming tubig.
Matapos sa nangyari kay Jemari sinabi nito hindi na sya babalik pa sa nasabing bansa dahil sa hirap na dinanas nito.
Samantala nakatanggap naman ng paunang financial assistance si Jemari mula sa OWWA na nagkakahalaga ng P3,000.00, habang inaasikaso na ngayon ng nasabing ahensya ang Livelihood Assistance para sa nasabing OFW.