Retiradong sundalo patay sa pamaamril ng sinasabing teroristang grupo

*General Santos Cty—- Patay ang isang retiradong sundalo matapos itong pagbabarilin ng sinasabing miyembro ng teroristang grupo na Ansar Al Khilafa Philippines o Akp pasado ala una ng hapon sa Prk. 3, Brgy. Lapu, Polomolok, South Cotabato.*

*Ang biktima nakilalang Si Ulama Nilong, 74years old at dating kapitan ng nasabing barangay.*

*Lumalabas sa imbestigayson ng kapulisan na galing sa mosque ang biktima at pauwi na sana sa kanyang bahay sa Prk.3 sa parehong barangay ng pagbabarilin ito ng mga suspek na nakilang sina Japer Mariano at Basser Sahak.*


*Nagtamo ng dawalang tama sa ulo ang biktima mula sa kalibre 45 na pistola na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay.*

*Dagdag pa na pinaghihinalaan umano ang biktima na impormante ng ang otoridad laban sa AKP dahilan upang ipatumba ito ng kanyang pamangkin na si Moymoy Nilong miyembro ng nasabing teroristang grupo.*

*Matatandaan na si Sahak din ay isa sa mga suspek na nasampahan ng kasong multiple frustrated murder dahil sa nabgyaring pamomomba sa lungsod ng Heneral Santos noong nakaraang September 16.*

*Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng kapulisan sa mga suspek na responsable sa nasabing pamamaril.*

Facebook Comments