General Santos City—nakauwi na ng bansa partikular na sa Malapatan Sarangani Province ang OFW na si Elmie Tanggo matapos itong nakaranas ng pambobogbog sa kamay ng kanyang amo sa Saudi Arabia.
Sa Interview ng RMN Gensan News Team kay Tanggo, nagpasalamat ito sa RMN Gensan, Government Agencies at sa lahat na tumulong sa kanya upang syay makabalik sa kanyang pamilya.
Kwento nito na April 27 ng sya’y bogbogin ng kanyang among lalaki matapos nasunog ang kanyang pinaplantsang damit na isusuot sana ng kanyang amo.
Syay tinadyakan, sinampal at pinagsusuntok, Kanyang kinunan ng video ang kanyang saliri at pinadala sa kanyang mga kamag-anak para sya ang matulongan na makauli ng bansa.
May 13 ng dumating sa Ninoy Aquino International airport si Elmie at noong makalawa lang dumating ng Malapatan.