OFW na Tubong Benito Soliven, Humihingi ng Tulong sa Pang-Aabuso ng Amo!

Cauayan City, Isabela- Nananawagan ngayon ang isang OFW na naka base sa Kingdom of Saudi Arabia matapos itong abusuhin ng kanyang amo.

Kinilala ang biktima na si Marry Ann Leonardo, may-asawa at tubong Benito Soliven, Isabela.

Batay sa natanggap na Video ng RMN Cauayan sa kumakalat na video ng biktima sa social media kung saan dito sinabi ng biktima na itinulak siya ng kanyang amo sa hagdan, hindi pinapakain, hindi pinapainom at nakakulong lamang sa kanyang kwarto kaya’t sinikap ng RMN Cauayan na makipag-ugnayan sa kamag-anak ng biktima na si Alma Juan.


Ayon sa hipag ng biktima na si Alma Juan ay mag-iisang buwan na umano ang kanyang hipag sa Abroad at hindi na rin umano nila ito nakokontak.

Maging ang asawa umano ng biktima ay nag-aalangan na rin dahil sa natanggap nitong impormasyon na nasa airport at hawak na umano si Marry Ann ng kaniyang Agency subalit hindi pa rin umano sila kampante dahil hindi pa umano ito pwedeng pauwiin ng kanyang Agency.

Samantala, Naidulog na umano ang panawagan ng biktima sa punong Bayan ng Benito Soliven at inihahanda na lamang umano ng kanyang kamag-anak ang mga dokumentong kinakailangan ng punong bayan para matulungan ang biktimang.

Samantala, nakipagtulungan naman ang RMN Cauayan sa naturang problema sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Migrant Desk ng Provincial Government para sa agarang pagresolba sa panawagan ng biktimang OFW na si Marry Ann Leonardo.

Facebook Comments