Patay ang 23-anyos na Overseas Filipino Worker matapos malunod sa Anping Beach Tainan City, Taiwan. Tubong Bayambang Pangasinan ang OFW na kinilalang si Renz Romuel Bravo.
Sa panayam ng 104. 7 IFM Dagupan sa Ina nito na si Sheila Bravo, sinabi niyang kasama ng kaniyang anak ang higit 30-katao sa Anping Beach para sa isang church gathering.
Nagpasya umanong maligo ang grupo sa dagat at napansin na nagpunta sa malalim na parte ng dagat ang mga kasamahan nito.
Dito na nagpasya si Bravo na i-rescue ang mga kasamahan.
Dalawa sa kaniyang kasama ang kaniyang nasagip sa malakas na agos ng dagat ngunit nang subukang i-rescue ang isa pa nitong kasama ay hindi na nito nakayanan.
Ang isa sa mga sinagip nito ay kapwa niya Pinoy.
Iisnugod pa sa hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Ayon sa kaniyang ina, nakausap pa niya ang kaniyang anak bago mangyari ang insidente.
Kaugnay nito, gumagawa na ng paraan ang Agency ni Bravo upang mapabilis na maayos ang mga papeles na kakailanganin sa pagpapauwi ng kaniyang labi.
Humihingi rin ang kaniyang pamilya ng tulong mula sa gobyerno ng Pilipinas sa mabiilis na proseso ng pagpapauwi. Si Bravo ay isang factory machine operator sa Taiwan.
Lubos namang nakikiramay ang pamunuan ng Ifm Dagupan sa pamilya ni Bravo na naging Intern nito noong taong 2017.