Kyle Echarri kay Julia Barretto: The truth will always be your greatest weapon

192
Image via IG/Kyle Echarri

Tila nakahanap ng kakampi si Julia Barretto nang magpahayag ng suporta ang aktor na si Kyle Echarri hinggil sa mga isyung binabato ngayon sa kaniya.

Ibinahagi ni Echarri sa kaniyang Instagram post ang litrato nila ni Barretto habang nasa selebrasyon ng kaarawan ng modelong si Lorin Gutierrez, anak ng aktres at TV host na si Ruffa Gutierrez, nitong Linggo.


View this post on Instagram

 

Glad to know you. You are one amazing & strong woman. Never let the “talks” bring you down. Not everyone will be willing to lend their ears but the truth will always be your greatest weapon. Never lose that beautiful smile. There are so many of us who want to see you happy. Thank you for everything ❤️ . . You can judge me however you’d like for simply being a good friend and I don’t mind that, my friends know how I am with them. But I despise people who judge women and disrespect them just because they feel they are entitled to say whatever they want not thinking of how it’ll affect others and worst, judging & making assumptions even when they don’t personally know them. It’s not a good habit, it is rude and really a representation of who they are. Learn to respect. It is not hard to do.

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri) on

Narito ang mensahe ng isa sa mga bida ng teleseryeng “Kadenang Ginto” para kay Barretto:  “Glad to know you. You are one amazing and strong woman. Never let the ‘talks’ bring you down. Not everyone will be willing to lend their ears but the truth will always be your greatest weapon. Never lose that beautiful smile. There are so many of us who want to see you happy. Thank you for everything.

Ipinaliwanag naman ni Echarri kung bakit niya pinagtatanggol ang kapwa Kapamilya star.

Aniya, galit siya sa mga taong mapanghugsa at walang respeto sa mga babae.

“It’s not a good habit, it is rude and really a representation of who they are,” kasunod na mensahe ng aktor sa nasabing IG post.

Matatandaang naging sentro ng kontrobersiya si Barretto matapos madawit sa hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo.

(BASAHIN: Walang akong inahas, wala akong nilandi – Julia Barretto)

Kamakailan, iginiit ni Barretto na “hindi niya nakarelasyon” at “hindi siya niligawan”  ng katambal sa pelikulang “Between Maybes”.

Facebook Comments