Isang 40-anyos na overseas Filipino worker (OFW) ang namatay matapos tumalon mula sa gusali sa Hong Kong, nitong Lunes, Hulyo 22.
Ayon sa pulisya, dead on the spot ang hindi pinangalanang domestic helper mula sa Candelaria, Quezon, matapos tumalon mula sa gusaling tinitirahan ng kanyang employer sa No. 1 Po Lun Street, Lai Chi Kok, Kowloon.
Lumabas sa paunang imbestigasyon ng awtoridad na may problemang pinansyal ang biktima.
“The initial investigation showed that there was no suspicious element (in her death). She supposedly had some financial problems,” ani tagapagsalita ng pulisya.
“Se was found on the podium of the building and we are treating this as a case of a person who had fallen from height,” dagdag ng pulisya.
Wala namang nadiskubreng suicide note ang pulisya mula sa nasawing Pinay na dumating sa Hong Kong noong 2017 para magtrabaho.
Nito lamang Hulyo 15 nang tumalon din mula sa gusali sa Mei Foo Sun Chuen, sa parehong distrito, ang isang Pinay mula sa Antique dahil umano sa problema sa karelasyon.
(OFW sa Hong Kong, patay matapos tumalon sa building)
Sa mga OFW sa Hong Kong na nangangailangan ng tulong, maaaring tumawag sa linya ng Assistance to Nationals Section of the Philippine Consulate General sa mga numerong 9155-4023 o 6752-4254.