Agad nasawi ang isang 31-anyos na overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong, matapos tumalon mula sa ikaanim na palapag ng building ng tinutuluyang apartment sa Cheung Sha Wan, Lunes, Hulyo 15.
Tubong Tibiao, Antique ang biktima na may initials na VRM, na apat na taon nang nagtatrabaho bilang domestic helper.
Hinihinalang nagpakamatay ang Pinay dahil sa problema sa karelasyon, ayon din sa inisyal na imbestigasyon.
Tinangka rin umano itong pigilan ng kasama niyang tiyahin ngunit hindi ito nagpaawat.
Wala namang nakitang suicide note ang pulisya kaya tinukoy na “falling from a height” ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Nagtamo ng malalang pinsala ang biktima matapos malaglag sa isang construction site.
Facebook Comments