OFWs, May Ayuda!

Baguio, Philippines – Nanigurado ang Overseas Workers Welfare Administration, Regional Welfare Office, Cordillera na matutulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng travel ban, sa China.

Bibigyan sila ng OWWA ng tulong na pinansyal ang mga babalik na mga OFW na apektado ng travel ban, kung saan makakatanggap sila ng P10,000 bilang ayuda para sa mga apektado ng travel ban sa buwan ng Pebrero 2 hanggang Pebrero 9.

Magpunta lamang sa kanilang tanggapan lunes hanggang biyernes, mula alas otso hanggang alas singko ng hapon, para mag-fill up ng Welfare case intake sheet kasama ang ilang mga dokumento tulad ng application form, airline ticket, Passport (yung may latest arrival, ID page), Valid Visa o Hongkong ID o Macau BlueCard, POEA Processed Employment Contract para sa mga bagong empleyado.


Pag-uusapan naman kung bibigyan ng extension ang pagbibigay ng benepisyo ng mga maabalang mga OFW na may flight na Pebrero 9 at sa mga sumusunod pang mga flight schedule.

iDOL, habol na kayo!

Facebook Comments