OFWs, prayoridas sa electronic gates sa NAIA 3

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na prayoridad ang OFWs sa electronic gates na inilagay sa NAIA 3.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, magiging mas mabilis na ang pagproseso sa mga pasahero lalo na sa OFWs sa pagbubukas ng electronic gates sa immigration area.

Una nang inihayag ng BI na kukuha pa sila ng karagdagang immigration agents na ide-deploy sa NAIA 1 at 3 para maiwasan na ang mahabang pila sa immigration counters.

Ito ay lalo na’t patuloy ang pagdagsa ng mga biyahero kasunod din ng pagdagdag ng flights sa NAIA.

Facebook Comments