Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umaabot na sa 175,130 ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na naka-base sa Alberta, Canada.
Ayon sa DFA, karamihan sa mga ito ay Pinoy nurses.
Kaugnay nito, lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) ang Pilipinas at lokal na pamahalaan ng Alberta, Canada para sa proteksyon ng Filipino nurses sa Alberta.
Kabilang sa probisyon ng MOU ang suportang ibibigay sa Pinoy nurses na hindi pa rehistradong mag-practice doon.
Maaari ding mag-apply para sa insentibo ang Filipino nurses na sasailalim sa pagsasanay, mag-aaral at ang magpoproseso ng kanilang lisensya.
Facebook Comments