Hinimok ng Philippine Consulate ang mga Pilipino sa Hong Kong na samantalahin ang programa ng gobyerno doon hinggil sa libreng pagbabakuna.
Ito ay lalo na’t kabilang ang Hong Kong sa itinuturing ngayon ng Department of Health (DOH) na low risk.
Nangangahulugan ito na ang mga Pinoy na fully vaccinated na uuwi sa Pilipinas mula Hong Kong ay 7 araw na lamang na sasailalim sa quarantine.
Sa ika-5 araw ng kanilang quarantine, sila ay isasailalim sa COVID testing at kapag negatibo ang resulta, sila ay pauuwiin na.
Facebook Comments