MWO, may babala sa mga OFW sa Qatar na gumagawa ng kalaswaan sa mga pampublikong lugar

Nagbabala ang Migrant Workers Office sa Qatar sa mga OFW na sumunod sa batas ng nasabing bansa.

Kasunod ito ng pagkakaaresto at pagpapa-deport sa ilang indibidwal matapos gumawa ng kalaswaan sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa Migrant Workers Office sa Qatar, ilan sa mga naaresto ay nakulong at naipa-deport na bagamat hindi naman tinukoy kung sinu-sino ang mga ito.

Batay sa Immoral and Disgraceful Acts ng Qatar, maaaring makulong ng anim na buwan at pagmultahin ng hanggang tatlong libong Qatari Riyals o mahigit 47,000 pesos ang mapatutunayang gumawa ng kalaswaan sa mga pampublikong lugar.

Kabilang sa mga ipinagbabawal sa Qatar ang crossdressing o pagdadamit babae ng mga lalake at pagdadamit lalake ng mga babae.

Facebook Comments