
Binigyang-diin ni Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong na ang ginanap na Lakas-CMD assembly kahapon ay walang kinalaman sa pag-endorso ni Vice President Sara Duterte ng ilang kandidato sa pagkasenador.
Sabi ni Adiong, regular na nagsasagawa ng pagtitipon ang partido lalo na sa panahon ng eleksyon para makakuha ng update mula sa party leaders sa local level.
Ayon kay Adiong, ang assembly rin ay daan para magkapagsagawa ng assessment upang madetermina kung nasa tamang landas ang ginagawang kampanya ng koalisyon.
Sa nabanggit na pagtitipon ng Lakas-CMD, nanawagan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na siyang presidente ng partido na tiyakin ang panalo ng 11 kandidato sa pagkasenador ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.