Ogie Alcasid, sinigurong wala silang samaan ng loob ng dating network; Chris Brown, pinalaya na

Siniguro ng singer / composer na si Ogie Alcasid na walang samaan ng loob sa pagitan nilang mag-asawa at ng dating nilang TV network.

Say ni Ogie, thankful daw siya sa mga naitulong ng management nito sa pag-build up ng kanilang career at malaki pa din daw ang respeto nila ni Regine Velasquez sa mga ito.

Sa ngayon, masaya na daw silang mag-asawa kung anong project ang ibinibigay sa kanila lalo na at alam nila kaya nila itong gampanan.


Samantala, pinakawalan na ng French police ang Hollywood RNB singer na si Chris Brown matapos itong ireklamo ng isang babae ng rape na naganap sa isang hotel sa Paris.

Bukod kay Brown, pinalaya din ang dalawang kasama nito kung saan agad na nag-post sa Instagram ang singer saka sinabing pawang kasinungalingan ang sinabi ng hindi pa nakilalang babae.

Facebook Comments