
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapatuloy ang pamahalaan sa paghahanap ng mga bagong mapagkukunan ng langis at enerhiya upang mapalakas ang suplay ng bansa.
Ayon sa pangulo, nakapagkaloob na ang administrasyon ng 14 na bagong Petroleum Service Contracts para sa eksplorasyon ng langis, natural gas at native hydrogen.
Ipinatutupad din ang Philippine Gradiometry and Seismic Survey Project upang matukoy ang mga posibleng lugar na mapagkukunan ng enerhiya.
Bukod dito, nagkakaloob ang Department of Energy (DOE) ng special allowances sa mga service contractor na nagsasagawa ng gas development sa malalayong lugar upang mahikayat ang mas maraming exploration activities sa bansa.
Facebook Comments










