Friday, November 6, 2026

VP Sara , biyaheng Hong Kong bukas

Magtutungo sa Hong Kong si Vice President Sara Duterte mula Nobyembre 6 hanggang 8, 2026.

Ito ay para dumalo sa iba’t ibang aktibidad, kabilang ang isang pagtitipon na inorganisa ng Filipino community sa naturang bansa.

Ayon sa Office of the Vice President (OVP), pinayagan ng Regional Trial Court ng Quezon City Branch 98 ang biyahe sa pamamagitan ng kautusang inilabas noong Nobyembre 3, 2026.

Naglabas din umano ang Office of the President ng kaukulang travel authority para sa naturang paglalakbay.

Iginiit din ng OVP na personal na pondo ng bise presidente ang gagamitin sa buong biyahe at walang ginamit na resources ng pamahalaan ang gagamitin kaugnay ng kanyang biyahe sa Hong Kong.

Facebook Comments