Cauayan City, Isabela – Yes, we made it. Ito buong pagmamalaking nabanggit ng pamunuan ng Our Lady of the Pillar Inc. (OLPI) College Cauayan City sa kanilang katatapos na virtual Commencement Exercises.
Para sa pamunuan ng OLPI, kasaysayan ang kanilang nagawa kahapon (April 30, 2020) dahil ito ang maituturing kauna unahang pormal na virtual Commencement Exercises sa buong bansa. Ayon kay Exuperio V. Flores, Jr., Presidente ng OLPCI Cauayan, bagamat maituturing itong kauna unahan, hindi ang virtual graduation ang pangunahing aalalahanin sa hinaharap, kungdi ang dahilan bakit nangyari, at yan ay ang Covid-19, ang ECQ, at ang Lockdown.
Aminado si Flores, may pag aalala sa kanilang panig sa una ngunit lahat ng pangamba at kalungkutan ay natabunan ng pasasalamat, galak, pagtanggap ng mga magulang at tagumpay ng mga nagsipagtapos. Dagdag pa ni Flores, hindi niya mapigilan ang naging emosyonal habang pinapanuod ang online ceremony dahil sa wakas ay naisapubliko na ang pagtatapos ng kanilang mga mag-aaral, na sa wakas ay naibigay ang pagkilala at awards sa kanilang mga estudyanteng.
Ang lahat ng mga ito ayon kay kay Flores ay kompirmasyon ng tagumpay at pagpupursige. Espesyal at pangunahing pinasalamatan ang mga magulang at estudyante dahil sa pang unawa at kooperasyon at mga magagandang salitang ipinaabot ng mga ito sa message box at komento sa social media.