MANILA – Nagkasa na rin ng Fact Finding Investigation ng Office of the Ombudsman kaugnay sa pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sabado ng madaling araw.Pangungunahan ang imbestigasyon ng opisina ng Deputy Ombudsman for Military and Other Law Enforcement.Inaasahang sisiyasatin ng Ombudsman ang lahat ng may kinalaman sa pagkamatay ng Alkalde.Napatay si Espinosa matapos umanong manlaban sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) region 8 na magsisilbi sana ng search warrant sa loob ng selda nito sa Baybay Sub-Provincial Jail noong Nobyembre a-singko.Nauna nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Senado sa insidente habang ang Kamara ay ipinanukala na rin ang pagdinig sa sinasabing planadong pagpatay kay Espinosa.
Ombudsman – Nagkasa Na Rin Ng Sariling Imbestigasyon Kaugnay Sa Pakamatay Ng Dating Albuera Mayor, Rolando Espinosa
Facebook Comments