
Desidido si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na sampolan ang mga nagpakalat ng fake news na isinugod ito sa ospital.
Una nang pinagpiyestahan sa social media si Remulla ang mga lumabas na Artificial Intelligence (AI) generated at edited na mga larawan para paniwalain ang publiko na isinugod siya sa ospital.
Ayon kay Remulla, hindi titigilan ang mga nagpapakalat ng ganitong balita hangga’t hindi sila napaparusahan.
Kaya naman nakipag-ugnayan na ito sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang nagpakalat ng maling impormasyon na aniya’y maituturing na cyber liber.
Aniya, kinausap na niya ang NBI para matukoy kung sino ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.
Bagama’t walang tinukoy na political party, kumbinsido si Remulla na political propaganda ang atake sa kanya kaya’t mahalagang malaman kung sino ang nagpasimula nito.
Iginiit naman ni Remulla na maayos ang kalagayan ng kanyang kalusugan at sa katunayan ay maayos itong nakatulog kagabi at nagising ng maaga kaninang umaga.










