Ombudsman Remulla, pinag-iisipang bumuo ng special division na tututok sa kaso ng maanomalyang flood control projects

Pinag-iisipang bumuo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ng Special Division na tutok sa mga kaso ng maanomalyang flood control projects kung kinakailangan.

Ayan ang kaniyang inihayag sa harap ng media sa kaniyang unang araw bilang bagong Ombudsman.

Ayon kay Remulla, iba kasi ang case build-up noong siya pa ay nakaupo bilang Justice Secretary dahil ang tinitignan ngayon ay krimeng ginawa o kinasangkutan ng mga public officials.

Ngunit sinabi niya rin na makikipagdayalogo muna siya sa Sandiganbayan at Supreme Court upang pag-usapan ang posibleng pagbuo ng naturang dibisyon.

Facebook Comments