Omicron sub-variant na BA.2, dominate na sa buong mundo

Maituturing ng dominante sa buong mundo ang COVID-19 Omicron sub-variant na kilala bilang BA.2 na nagdudulot ng pagtaas ng kaso sa maraming bansa sa Europa at Asya at ikinababahalang magdadala ng new wave ng mga kaso sa Amerika.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang BA.2 ay kumakatawan sa halos 86 porsiyento ng lahat na nase-sequenced na mga kaso.

Mas nakakahawa rin ito kumpara sa Omicron sub-variant na BA.1 at BA.1.1.


Gayunman, hindi naman nagdudulot ang BA.2 ng severe disease.

Pero lumabas sa mga pag-aaral na mas mababa ang efficacy ng mga COVID-19 vaccine laban sa BA.2.

Facebook Comments