ON-LEAVE? | Davao City Mayor Sara Duterte, nilinaw na on-leave lang ang inanunsyo ng kanyang kapatid na si Vice-Mayor Paolo Duterte

Davao City – Nilinaw ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte na on leave lang ang kaniyang kapatid na si Davao Vice Mayor Paolo Duterte na una nang ianunsyo ang kanyang pagbibitiw sa pwesto.

Ayon kay Inday, tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang pwedeng tumanggap ng resignation ng bise alkalde.

Aniya, noon pa nila batid ng Pangulo ang plano ng kanyang kapatid na mag-resign.


Dagdag ni Inday, plano ni Pulong na makasama ang kanyang mga anak at bumalik muli sa kanyang pribadong buhay matapos ang pagbibitiw.

Facebook Comments