On-site, In-city Resettlement Program para sa mga informal settlers, pasado na sa plenaryo ng Kamara

Pinagtibay na sa plenaryo ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang “On-site, In-city, Near-city or Off-city Local Government Resettlement Program para sa mga Informal Settlers Families (ISFs).

Sa botong 200 na pabor at anim na tutol ay naaprubahan ang House Bill 8248 na nag-aamyenda sa Republic Act 7279, o ang Urban Development and Housing Act of 1992 at Republic Act 7160 o Local Government Code.

Ang panukalang on-site relocation para sa mga ISFs ay pangungunahan ng mga Local Government Units (LGUs) at ipapatupad katuwang ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD).


Layunin ng panukala na tugunan ang pangangailangan ng mga ISFs mula sa syudad tulad ng trabaho, kabuhayan at access sa mga pangunahing serbisyo.

Sa kasalukuyan kasi ay off-site relocation ang ginagawa ng pamahalaan kung saan nagtatayo ng pabahay sa labas ng Metro Manila ngunit malayo naman sa trabaho, sa paaralan, walang social services at hindi natutugunan ang ibang pangangailangan.

Sa ilalim pa ng panukala ay maglalatag ng plano na maglalaman ng site development plan na sumusunod sa comprehensive land use plan ng LGU kung saan dito itatayo ang project site para sa pabahay ng mga informal settlers.

Facebook Comments