One Hospital Command Center, handa na sa posibleng epekto ng Delta variant ng COVID-19

Tiniyak ng One Hospital Command Center na handa ang kanilang pamunuan na sabay-sabay na tumanggap ng tawag mula sa mga indibidwal na naghahanap ng ospital na pagdadalhan ng mga umano’y tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay One Hospital Command Center Operations Manager Dra. Bernadett Velasco, bukas ang kanilang 50 linya sa kasalukuyan na maaaring tawagan.

Malayo aniya ito sa dating 10 hanggang 12 linya lamang.


Idederekta naman sa Department of Health (DOH) ang mga natatanggap na tawag mula sa mga mamamayan na naghahanap ng ospital lalo na ang mga posibleng tinamaan ng virus ng Delta variant.

Ang mga call takers ay dumadaan sa pagsasanay ng mga medical officer ng One Hospital Command Center.

Facebook Comments