Tuwing papasok ang Setyembre, muling nabubuhay ang mga memes ng beteranong mang-aawit na si Jose Mari Chan.
Dahil madalas pinapatugtog sa mall at establisyimento ang pamaskong kanta ni Chan, naging senyales ito ng mga Pinoy na papalapit na ang yuletide season.
Kaya naman isang buwan bago sumapit ang tinaguriang “ber months”, lumalabas na ang teaser memes ng premyadong musikero.
Sa Facebook post ni Lee Rafael, makikita ang larawan ni Chan kasama si Mariah Carey at may caption na “ready na ang playlist ko!!!”
Biro ni Jebi Tiong Dela Cruz, 31 araw na lang at bibida na ulit si Jose Mari Chan.
Mensahe ni Kit Parco sa madla, “brace yourselves dahil papalapit na ang Jose Mari Chan Awareness Day”.
Jose Mari Chan is waving at you. 🤣 pic.twitter.com/DDpWr31iUp— Greggy (@grgangeles) July 31, 2019
Ayon kay netizen Tito Miggy, kantang-kanta na si Jose Mari Chan.
Jose Mari Chan season is coming…. Good Morning August! pic.twitter.com/ub3iPX55X7— Tito Miggy (@TheMiggySantos) July 31, 2019
Taong 1990 nang inilabas ang patok na awiting “Christmas in Our Hearts” at naging paboritong jingle ng publiko hanggang ngayon.