Wednesday, April 1, 2026

One strike policy sa mga commanders, ipatutupad kaugnay ng mga obstruction sa kalsada ngayong Holy Week

Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang “One Strike Policy” sa mga commanders nito kaugnay ng mga obstruction sa kalsada ngayong Holy Week.

Sa isinagawang inspeksyon ng PNP sa mga tren, simbahan at mall ngayong araw, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, na bukod sa mga ilegal na nakaparadang sasakyan ay nakita rin ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez ang pagharang ng ilang mga vendors na nagdudulot ng abala sa ilang motorista at dumaraan.

Ayon pa kay Tuaño inatasan na ni PNP Chief Nartatez ang mga station commanders at mga chief of police na agad pulungin ang vendors’ associations para linisin ang mga kalsada, lalong-lalo na kung hindi ito lehitimong nagbabayad ng permit.

Nabatid na ang one-strike policy ng PNP ay isang mahigpit na patakaran kung saan isang paglabag lang ay sapat na para agad mapatawan ng kaparusahan ang isang opisyal o pulis lalo na ang mga may posisyon tulad ng station commanders o chiefs of police.

Facebook Comments