“One Student, One Gadget” program, isinulong ni Senator Pacquiao

Nakikita ni Senator Manny Pacquiao ang posibilidad na mapahaba pa ang hindi pagsasagawa o kaya ay limitadong face-to-face classes dahil sa pandemya.

Kaya naman giit ni Pacquiao sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) maglatag ng pangmatagalang plano kaugnay sa paggamit ng modular at digital platforms sa pagtuturo.

Kaugnay nito ay pinapatiyak ni Pacquiao na hindi mapag-iiwanan at magkakaroon ng patas na pagkakataon na makapag-aral sa “new normal” ang mga mahihirap na mag-aaral.


Para makamit ito ay binigyang diin ni Pacquiao ang kahalagahang matiyak na magkakaroon ng gadgets ang mga mahihirap na mag-aaral na magagamit nila sa online classes.

Mungkahi rin ni Pacquiao na magkaroon ng Public-Private Partnerships ang gobyerno sa mga telecommunications companies para mapahusay ang internet system sa bansa na pangunahing kailangan para sa online classes.

Facebook Comments