Cauayan City, Isabela- Isang alternatibong paraan ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA)Isabela ang gagawing pagtawag gamit ang telepono para matiyak na matatapos ang ginagawang census of population and housing para sa taong 2020.
Ayon kay Ginoong Julius Emperador, Chief Statistics Specialist, prayoridad ngayon ang mga nasa urban area para sa pagsasagawa ng tinatawag na Computer Assisted Web Interview (CAWI) gamit ang online questionnaire.
Tiniyak naman ng pamunuan ng PSA Isabela na mananatiling kaligtasan rin ng mga enumerator ang isa sa kanilang prayoridad kung kaya’t hindi muna maaaring magsagawa ng census of population ang mga ito sa mga lugar na may mga kumpirmadong kaso ng virus.
Sa ngayon ay mayroong 1,975 enumerators ang mangangasiwa sa census subalit ang iba ay piniling magbitiw sa kanilang serbisyo dahil ilan sa kanila ay minabuting pumasok sa Department of Education para sa pagsisimula ng klase sa Oktubre 5.
Target naman ng ahensya na matapos ang pagsasagawa nito sa darating Setyembre 29.
target: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, PSA Isabela, Luzon