Online Selling, Ipinag-utos na Limitahan sa kabila ng Pandemya

Cauayan City, Isabela- Ipinag-utos ng Lokal na Pamahalaan ng Alcala sa Cagayan ang paglilimita sa online business sa kanilang bayan sa kabila ng kinakailangan ng mga ito ang pagkuha ng permit sa munisipyo.

Ito ay batay sa ipinalabas na Executive Order no. 23 s. 2020 na pirmado ni Municipal Mayor Atty. Cristina Antonio.

Nakasaad sa kautusan na ang mga online seller ay kailangan kumuha ng business permit sa Business Permit and Licensing Licensing Office para sa kanilang operasyon sa pagbebenta online.


Ayon sa alkalde, kinakailangang sundin ng mga seller ang nakasaad sa probisyon ng batas ang RA 7394 o ‘Price Tag Act’.

Pinaalalahanan din nito ang mga seller na kinakailangang isapubliko ang presyo para sa kaalaman ng mga mamimili.

Kinakailangan din na sundin ang nakasaad na Suggested Retail Price (SRP) para sa mga essential commodities habang oobserbahan din ang pagsusuot ng facemask at physical distancing sakaling magdedeliver o ipipick-up ito ng customer.

Facebook Comments