Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Rafael D. Consing Jr. bilang President at Chief Executive Officer (CEO) ng Maharlika Investment Corporation (MIC).
Sa kasalukuyan, si Consing ang tumatayong Executive Director ng Office of the Presidential Adviser for Investment & Economic Affairs (OPAIEA) sa ilalim ng Marcos administration.
Bahagi ng kaniyang accomplishments ang pagiging multi-awarded C-level executive na may malalim na karanasan sa corporate governance, mergers and acquisitions, corporate finance, global capital markets, stakeholder relations, at business strategy development.
Si Consing ay graduate sa De La Salle University (DLSU), Manila, at nag-aral din sa ilalim ng Strategic Financial Leadership Program noong 2016 sa Stanford University Graduate School of Business’s Emerging Chief Financial Officer (CFO).
Bago pa ang kaniyang appointment sa government service, naging maganda rin ang takbo ng kaniyang karera sa pribadong sektor.
Inaasahang gagampanan ni Consing ang mahalagang papel sa pagpapahusay ng mga estratehiya sa pamumuhunan ng korporasyon at pag-aambag sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng MIC.