Opensiba ng 6th ID kontra BIFF sa Maguindanao nagpapatuloy, 1 sundalo patay 4 wounded

Isang sundalo ang nasawi habang apat na iba pa ang naging wounded sa nagpapatuloy na law enforcement operation ng 6th ID sa magkakahiwalay na bayan ng Maguindanao.
Kinilala ang nasawi na si Sgt Jose Nasar De Luna ng 57th IB habang sugatan ang kasama nitong si Pvt Roy Mark Exiomo sa operasyon sa Brgy. Pamalian Shariff Saydona Mustapha noong nakaraang araw habang wounded rin sina Cpl. Millard Bacatan, PVT Allan James Cabildo na kapwa mga elemento ng 33rd IB at ang Cafgu na si Musa Kalim sa operasyon sa Datu Paglas kahapon.
Hindi naman batid ang casualties at mga sugatan sa tinutugis na mga ISIS Inspired members ng BIFF na pinangungunahan ni Abu Toraife.
Samantala, muli ring nagkaengkwetro kaninang umaga sa mga boundaries ng Mamasapano at Rajah Buayan ang mga military at BIFF.
Di naman matiyak ang bilang ng mga naapektuhang sibilyan ngunit agad na rin itong binigyan ng ayuda ng Peoples Medical Team ng Maguindanao.

Facebook Comments