Operasyon ng BOC tuloy pa rin, matapos masunog ang kanilang gusali

Bumuo ng Special Response Team (SRT) ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) matapos lamunin ng apoy ang building nito sa Port of Manila.

Ayon sa customs, ginawa ang SRT para tugunan ang mga katanungan, pangangailangan at maging suhestyon ng mga stakeholders gayundin ng publiko patungkol sa operasyon ng mga opisina sa POM or Port of Manila.

Nanawagan din ang customs sa lahat ng mga stakeholders nito na mag post ng ticket online o di kaya ay mag email sa support@odcpom.freshdesk.com para mas sa monitoring, katanungan at iba pang pangangailangan kung saan agad naman itong ipapadala sa mga concernced offices.


Pinuri naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang mga na tauhan nito partikular na ang mga naka assigned sa POM dahil sa pagiging positibo at matapang sa gitna ng naturang trahedya.

Kasabay nito ay nilinaw ng opisyal na hindi apektado ng nasabing sunog ang operasyon ng customs.

Facebook Comments