Operasyon ng DOJ, nananatiling normal sa kabila ng selebrasyon ng DOJ Founding Anniversary

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng Department of Justice (DOJ) ngayong araw hanggang sa Biyernes.

Ito ay kahit na ipinagdiriwang ang tatlong araw na selebrasyon ng ika-122 founding anniversary ng DOJ.

Bilang bahagi ng anibersaryo ang inilagay na one-stop-shop para sa serbisyo publiko.


Kabilang dito ang Mobile Clinic Diagnostic Center para sa libreng laboratory check up at mayroon ding booth ang National Bureau of Investigation (NBI), Government Service Insurance Service (GSIS), PhilHealth, Pag-IBIG at iba para sa pagproseso ng mga dokumento.

Samantala, bukas naman ang pagpapasinaya o inagurasyon ng bagong tayong gusali ng DOJ na nasa likurang bahagi ng compound.

Facebook Comments